Abo ng Sigarilyo
Intro
When I was a teenager we lived in a working class neighborhood. Masayang malungkot na environment. Lahat ng nangyayari alam ng lahat. That’s the time I started smoking, when I was 15. But siyempre patago. Dumudugot lang ako ng yosi sa bulsa ng older brothers ko. Yung mga sounds and images noong panahong yun sinulat ko nang ganito:
By Dominador Gallardo
Abo ng sigarilyo
Nagkalat sa sahig
Ang tunog ng radyo
Masakit sa pandinig
Kapeng pinabayaan
Sa tasay nanlamig
Pasanin sa balikat
Bigat ay sa dibdib
Sigaw ng kapitbahay
Sumingit sa dingding
Ungul ng mahalan
Nilunud ng daing
Taong pinagukulan
Sa hirap nahimbing
Ligayang hinahanap
Ay laging kapiling
Bakit ang langit
Habang naliligo
Lalong dumurungis?
Bakit ang awit
Habang nalilimot
Lalong tumatamis?
Bakit?
About the Poet:
Dominador “Nonoy” Gallardo is a highly respected name in Philippine advertising (“Ang Bagong Tunog, Ang Bagong Pinoy”, “Angat sa Iba"), a celebrated composer (“Saranggola ni Pepe", "Tuliro"), and a self-taught painter. A renaissance artist in a time of narrowing silos.