Agam-agam

Hamed Masoumi via Flickr
ni Raymart Avellaneda

Nakaluhod siya sa iyong
harapan. May singsing.
May plakard na tangan ang
mga nakabungisngis niyang
kaibigan: will you marry
me?

Oo. Hindi. Pwede.
Sino ba ang talagang may
alam. Ang sigurado mo lang
— Nasa gitna ka ng mga
nagsasalpukang agam-agam.

Dagat ang mga taong
naghihintay sa sagot mo.
Pinanonood ka ng buong
mundo ngunit wala ni isa sa
kanila ang nakakakita sa'yo
—hindi ka na hihigit pa sa
inaabangang oo.


Tungkol sa may-akda:
Si Raymart ay isang manunula(t), kwentista, ateista, manggagawa ng maikling pelikula at nagbabalik eskwela sa Trinity University of Asia sa kursong AB Communication. Bahagi ng Student Council sa departamento ng Performing Arts.