Ano ang Nangyari?

Ni Igan Clavio
View this post on Instagram

A post shared by AkosiiGan๐Ÿ˜Ž (@akosiigan)

Mahirap yatang makatulog kapag iniisip mo ang mga kababayan mong dumadaing resulta ng pandemic.

At pagkatapos malalaman mo na bilyun-bilyong pisong halaga ng budget ng Department of Health (DOH) ang natuklasan na may kuwestyonableng transaksyon ng Commission on Audit (COA) at nangangailangan ng tugon at paliwanag ni Health Sec. Francisco Duque III.

Kung ito ay totoo, paanong nakaya na pagsamantalahan ang kaban ng bayan habang ang mamamayan ay nangangamba sa banta ng pandemic ng Covid19?

Isa-isahin natin ang mga programa ng DOH na binabanggit sa COA report.

Naramdaman ninyo ba ang sinasabi nilang pagharap sa hamon ng pandemic?

Matatanggap ninyo ba na gumastos ang DOH ng mahigit sa p95 bilyong piso para sa mga gamot na kundi expired na ay malapit nang mag-expired?

Humigit kumulang sa p4 na trilyong piso rin sa kanilang pondo ang di nagamit at nakatengga. Ito ay sa kabila na naghahanap ang Pangulong Duterte ng pera para ipantustos sa tulong sa taumbayan na nawalan ng trabaho o di pa nabibigyan ng ayuda.

Anoโ€™ng klaseng tao ang kayang sikmurain at tiisin ang nagkakasakit na mamamayan sa kabila ng mayroong nakalaan naman pala na resources?

Lord, Ikaw na po ang bahala. ๐Ÿ™๐Ÿผ๐Ÿ™๐Ÿผ๐Ÿ™๐Ÿผ

#pilipinasuna