Ni Igan Clavio
Mahirap yatang makatulog kapag iniisip mo ang mga kababayan mong dumadaing resulta ng pandemic.
At pagkatapos malalaman mo na bilyun-bilyong pisong halaga ng budget ng Department of Health (DOH) ang natuklasan na may kuwestyonableng transaksyon ng Commission on Audit (COA) at nangangailangan ng tugon at paliwanag ni Health Sec. Francisco Duque III.
Kung ito ay totoo, paanong nakaya na pagsamantalahan ang kaban ng bayan habang ang mamamayan ay nangangamba sa banta ng pandemic ng Covid19?
Isa-isahin natin ang mga programa ng DOH na binabanggit sa COA report.
Naramdaman ninyo ba ang sinasabi nilang pagharap sa hamon ng pandemic?
Matatanggap ninyo ba na gumastos ang DOH ng mahigit sa p95 bilyong piso para sa mga gamot na kundi expired na ay malapit nang mag-expired?
Humigit kumulang sa p4 na trilyong piso rin sa kanilang pondo ang di nagamit at nakatengga. Ito ay sa kabila na naghahanap ang Pangulong Duterte ng pera para ipantustos sa tulong sa taumbayan na nawalan ng trabaho o di pa nabibigyan ng ayuda.
Ano’ng klaseng tao ang kayang sikmurain at tiisin ang nagkakasakit na mamamayan sa kabila ng mayroong nakalaan naman pala na resources?
Lord, Ikaw na po ang bahala. 🙏🏼🙏🏼🙏🏼
If you liked what you just read and want more of Our Brew, subscribe to get notified. Just enter your email below.
Related Posts
Welcome to the Algorithm Nation
Jun 10, 2024
A Lasting Bond in Fire and Steel
Apr 24, 2024
Art, Music and the Filipino Soul
Mar 01, 2024