, October 12, 2024

0 results found in this keyword

Bugso ng COVID-19 sa Davao City, Malaking Hamon kay Mayor Sara


  •   2 min reads
Bugso ng COVID-19 sa Davao City, Malaking Hamon kay Mayor Sara
Philippine News Agency

Ni Igan Clavio

Mga ‘iGan, nalagpasan na ng Davao City at Quezon City sa pinakamaraming kaso ng covid19 sa buong bansa.

Ayos mismo yan sa Octa Research.

Sabi ni Prof. Guido David, nasa 213 na ang average Covid case sa isang araw sa Davao City. Lagpas na sa 207 na average Covid case dito sa Quezon City.

Malaking hamon ito kay Davao City Mayor Sara Duterte na tatakbo sa Presidential election sa 2022.

Kailangan na ipakita ni Mayor Sara ang kanyang galing sa pamamahala ng isang pandemic.

Maibabato ito sa kanyang kakayahan kung di niya masolusyunan ang problema sa kanyang lungsod pero nais naman niya na maglingkod sa buong bansa.

Malaki ang pagkakaiba ng isang lungsod kung ikukumpara sa buong Pilipinas. At mahalaga ang bawat oras para kay Mayor Sara na ito ay maagapan. Ang situwasyong ito ay hindi palalagpasin ng kanyang mga posibleng makalaban sa eleksyon 2022.

Makailangang ulit na rin naringgan si Pangulong Duterte na mahirap pala na harapin ang problema ng buong bansa at nakakapagod din. Sa matagal na panahon ay nalingkod bilang dating Mayor ng Davao City si Duterte.

Hindi batid ng Octa Research ang sanhi ng pagtaas ng covid19 sa Davao City. Pero malaking posibilidad ayon kay David ang pag-uwi ng ilang indibidwal sa lungsod.

“Isang spreader lang ang kailangan para tumaas ang bilang ng hawaan,” ayon kay David.

Pero di ito solong dapat balikatin ni Mayor Sara. Nandiyan ang Department of Health na dapat umaksyon agad kabilang na ang pagpapadala ng karagdagang supply ng bakuna para mapigilan ang pagkalat ng virus sa lungsod at kalapit lalawigan.

At siyempre, ang Office of the President ng kanyang ama. Di naman pababayaan ni Duterte ang kanyang mahal na lugar na maging epicenter pa ng virus at maunsyami pa ang plano ng kanyang anak.

Pero hindi naman pataasan ng istatistika o bilang ng nagkakasakit ang pagharap sa problema ng covid19. Pagpapaalala lamang ito na nandyan pa rin ang banta ng virus at di tayo dapat magpakampante.

Minda News

Dalawa ang factor ang nakikita ko sa pagdami na naman ng kaso at pagbabalewala ng marami sa covid19 - ang GCQ status at ang pagpapabakuna. Nagiging kampante ang marami dahil sa maling pag-unawa nila sa dalawang factor na ito. Akala nila ay bumaba na ang banta sa buhay ng covid19.

Tandaan ‘iGan, mababa pa rin ang porsyento nang nababakunahan sa ating populasyon at di ito sapat para masabing protektado na ang lahat.

Sama-sama pa rin tayong lahat - mamayan, gobyerno at mga eksperto sa pagharap sa hamon ng virus.

Mas makakabuti na bawasan muna ang pamumulitika, hindi lang ng mga politiko kundi ng kanilang mga taga-suporta, at unahin muna ang problema.

Walang Personalan.


Related Posts

You've successfully subscribed to Our Brew
Great! Next, complete checkout for full access to Our Brew
Welcome back! You've successfully signed in
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Success! Your billing info is updated.
Billing info update failed.
Your link has expired.