, September 19, 2024

0 results found in this keyword

Dapat Pasalamatan ang COA


  •   2 min reads
Dapat Pasalamatan ang COA
Commission on Audit
Ni Igan Clavio

Sa pagkakataong ito, sana nga ay nagbibiro siya nang sabihin na “wag nang pansinin ang COA (Commission on Audit).”

At sana nga ay nadala lang siya ng kanyang emosyon, dahil nasanggi na naman ang kanyang vaccinator na si Health Sec. Francisco Duque III.

Kung mapapansin, sa pinakahuling report ng COA, halos lahat ng departamento ng Duterte Administration ay pinagpapaliwanag ng komisyon dahil sa iba’t ibang kuwestyonableng transaksyon.

Mula sa P67B na pondo ng Department of Health, pati ang mga paggastos sa Department of Education (DepEd), Department of Labor (DOLE), Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform at pati sa Presidential Communications Operations Office (PCOO), National Police Commission (NAPOLCOM), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iba pa ay nakuwestyon din.

Sa halip na i-welcome ito ng gobyerno at pasalamatan ang COA sa mahigpit na pagbabantay sa kaban ng bayan, pagkondena, pagkuwestyon sa intensyon at galit ang naging kapalit.

Mapanganib ang nabitawang utos ni Mayor Duterte na “huwag pansinin ang COA.” Parang binuksan na niya ang garapon at tuluyang nakakawala na ang mga alakdan.

Nagbigay lamang ito ng lakas ng loob sa mga magnanakaw sa gobyerno na lalo pag magnakaw. Nawala na ang pangamba na mabuking at maparusahan - mula multa hanggang pagkakakulong.

Ang COA ang inatasan ng Saligang Batas na magbantay sa buwis ng mamamayang Pilipino para matiyak na ang pinakamababang sentimo ay nagagamit sa dapat paggamitan.

Ang hindi na pagpansin sa COA ay maituturing na di na rin pagpansin sa mga mamamayang Pilipino na bumoto sa iyo. Ipinagkatiwala ng bawat Pilipino ang kanilang kontribusyon sa pamahalaan at umaasang maibabalik ito sa pamamagitan ng programa at proyekto.

Hindi ito perang napulot lang o natanggap sa pamamagitan ng komisyon, tongpats, lagay o padulas. Ang buwis ng bawat Pilipino na ibinayad sa gobyerno ay pinaghirapan, galing sa sakripisyo, namuhunan ng pawis at dugo, at marapat lamang proteksyunan?

Hindi luha kundi paliwanag ang inaabangan ng publiko para malaman kung totoo ba o hindi na ang pondo ay napagsamantalahan. Walang binabanggit sa COA report na ang pera ay ninakaw ng ilang opisyal.

Mahirap ba na maipaliwanag na ang lahat ng pondo ay napunta sa tama? O mahirap ba maitago na napunta nga ang pera sa iilang bulsa.

Hindi kailangan ng isang eksperto, mathematician, accountant para makita na may pagkukulang sa naging paggastos lalo na sa mga presyo ng nabiling bagay.

Ang mga gobyernong sinundan ng kasalukuyang pangulo ay wala namang nakikitang masama sa trabaho ng COA at nabibigyan naman ng linaw ang nakikitang pagkukulang.

Noong huling State of the Nation Address mo, sabi mo ay mahirap sugpuin ang korapsyon at kailangan na magdeklara ng Martial Law para malutas ito.

Simple lang pala, pabuksan mo ang lahat ng libro at ipakita sa COA. Ang may kasalanan parusahan, lalo na ang mga malalapit mong inilagay sa puwesto.

Wala na bang transparency?

Wala na bang gobyerno?

Yan ba ang gusto ninyo? Walang check and balance?

Walang Personalan.


Related Posts

You've successfully subscribed to Our Brew
Great! Next, complete checkout for full access to Our Brew
Welcome back! You've successfully signed in
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Success! Your billing info is updated.
Billing info update failed.
Your link has expired.