, August 16, 2025

0 results found in this keyword

Meron Pa Ba Tayo Dyan, Honorable Tsongs?


  •   3 min reads
Meron Pa Ba Tayo Dyan, Honorable Tsongs?
By Joey Salgado

Hindi ko sinasabi na lahat ng mga empleyado ng Senado noon ay mga anghel. Pero may respeto sila sa institusyon. Oras na tumuntong sa Senado, best behavior. Walang pasaway. Senado yan e. Sacred ground ng demokrasya, mayaman sa kasaysayan, kanlungan ng ilan sa mga dinadakilang pulitiko ng bansa.

Bukod sa respeto sa institusyon, nariyan din ang respeto sa iyong principal. Gagawa ka ba naman ng ikahihiya ng bos mo? Labo non. Bos mo ba naman ang isang Salonga, Gonzales, Ople, Saguisag, to name a few. Maangas, di ba? Syempre hindi mo sila ipapahamak dahil lang pasaway ka.

Kaya nang mabasa ko na may nagsindi raw ng marijuana sa loob ng Senado, napailing ako.

Senado yan, tsong. Bakit naman dyan ka nag-doobie? (Doobie, also known as marijuana, pot, dubi, tsongki, damo, juts, ganja, sa mga hindi nakakaalam. Nabasa ko lang lahat yan sa internet).

Ang itinuturo na nagsindi ay isang staff ni Senator Robinhood Padilla. Pero nag-deny sya. Hindi raw totoo na nag-juts sya sa ladies’ room. Baka raw napagkamalang juts ang kanyang vape. Unang-una, no smoking sa loob ng Senado, te. Kahit saang lugar sa loob ng Senado. Kailangang lumabas ng building para makapag hitit-buga ang mga nagyoyosi (Huwag na tayong magtalo na iba ang vape sa yosi). Kung nag-vape sa ladies’ room, kawalan na ng respeto yon sa Senado. At ang alam ko, kapag ang vape, amoy tsongki, may tsongki oil yun malamang. Pero malay ko ba? Naikwento lang yan sa akin.

But seriously, don’t you find it disturbing that the person alleged to have smoked marijuana in the Senate is a staff of a DDS senator? Isang sagad-butong DDS na todo suporta sa isang drug war na libo-libo ang inaresto at may mga pinatay na kabataan? Hypocrisy. Yan ang isang palatandaan ng DDS.

Sabi ng report ng Office of the Sergeant-at-Arms, July 25 pa ay napansin na ng naka-duty na may kakaibang amoy (“unusual scent” ang nakasaad sa report) sa 5th floor ng Senado. May mga tumawag daw kasi na ibang empleyado para ireklamo. Ibig sabihin, medyo matagal nang may ganitong ganap sa nasabing palapag. At hindi natin alam kung kailan pa nagsimula ito.

Napaisip tuloy ako kung may kinalaman ang halimuyak ng juts sa kakaibang kinikilos ng ilan sa ating mga senador. Hindi ba may nagdeklara sa sarili na ambassador daw sya ng Diyos? May nagsabi sa plenary na sinapian daw sya ng Banal na Espiritu habang nagdedebate sa impeachment case ni Sara Duterte. At meron ding nagpasaboy ng God Complex mula nang maupo sa pwesto. Unang tanong ko noon, what were they smoking? At ang ikalawa, meron ba tayo dyan, men?

Pero kung ang delusyon ay mangmang tayong mga Pilipino pagdating sa Konstitusyon at sila lang ang tama, mas malakas pa sa marijuana ang tinitira ng mga ito. Alam nyo kung ano?Kapangyarihan. Power is a drug. Power not only corrupts but intoxicates. Dahil sa kapangyarihan, yumayabang ang mga walang alam. At yung mayabang na, lalong yumayabang. Pwede bang konting hiya man lang sa taxpayers? Meron pa ba tayo non, Honorable tsongs?

It’s hard to sympathize with Senate President Francis “Chiz” Escudero. Lubog na nga sa kontrobersya sa impeachment at sa one percent sa flood control, dumagdag pa ito. Sya rin naman ang may kasalanan. Kung sumunod sana sa Konstitusyon at tinalakay agad ang impeachment, hindi sana inaalipusta, minumura, at pinagtatawanan ang Senado ngayon.

The Senate may be up in smoke, pero panandaliang libangan lang ito. Hindi matatakpan ng usok ng marijuana ang ugnayan ni Escudero sa isang kontratista na ayon mismo sa Pangulo ay nakinabang sa flood control projects, kahit na one per cent lang yan.

May malas kaya ang Senado? Malas na dala ng sobrang yabang? Baka kailangan ng shaman para bugahan ng mapagpalayang usok ang kaisipan ng ating mga senador. Ipatawag na ang lahat. The Senate is now in session. Sindihan na yan. Forthwith.

This article also appears in Rappler


Related Posts

You've successfully subscribed to Our Brew
Great! Next, complete checkout for full access to Our Brew
Welcome back! You've successfully signed in
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Success! Your billing info is updated.
Billing info update failed.
Your link has expired.