Sa mga hindi pa rin naniniwala na ‘waste of people’s money’ ang Dolomite project ng DENR, kayo ay hindi taxpayer
Ni Igan Clavio
Sayang. Isang malaking panghihinayang. Nakakainis. Nakakagalit!
Sa mga hindi pa rin naniniwalang na ‘waste of people’s money’ ang Dolomite project ng DENR, kayo ay hindi taxpayer.
Total budget - P654M batay sa report ng Rappler. “An additional P265-million budget is allotted for the second phase of the Manila Bay dolomite sand project, the Department of Environment and Natural Resources (DENR) confirmed to Rappler on Monday, May 10.
“This is on top of the earlier P389-million budget announced last year.
“This is a continuation of the beach nourishment project from the 2019 Memorandum of Agreement (MOA) with the Department of Public Works and Highways (DPWH). The artificial beach is expected to be finished by the third quarter of 2022. “
Akosiigan Instagram page
DZRH Facebook page
Mapapailing ka na lang. Mas inuna sana ang flood control project sa Roxas Boulevard or construction ng dam kaysa ang beautification program.
Hangga’t hindi pinaparusahan ang mga hinayupak nating kababayan na ginagawang malaking basurahan ang Manila Bay, lahat ng planong pagpapaganda ay mababalewala.
Pero asahan nang paninindigan ng mga taga-DENR ang proyektong ito.
Kung sino man ang utak ng proyektong ito, paki-untog na lang ng ulo mo sa pader at baka maalog at mas maganda at kapaki-pakinabang kang maisip na programa para sa kalikasan.
Walang Personalan.
If you liked what you just read and want more of Our Brew, subscribe to get notified. Just enter your email below.
Related Posts
Welcome to the Algorithm Nation
Jun 10, 2024
A Lasting Bond in Fire and Steel
Apr 24, 2024
Art, Music and the Filipino Soul
Mar 01, 2024