
By Joey Salgado
Survival mode ngayon ang mga isinabit na politiko at contractors sa flood control scandal. At kung hindi magiging maagap ang Palasyo, baka sa kalaunan ay survival mode na rin ang Marcos administration.
Sa huling hearing ng Senate Blue Ribbon Committee, nabanggit ang titulo na “Executive Secretary” na umano ay nakinabang sa kickback. Ito ay sa testimonya ni dating Public Works Undersecretary Romeo Bernardo na lumalabas na syang nagtitimon umano ng raket sa kanyang ahensya.
Aniya, sinabihan sya ng isang undersecretary na 15 percent ang para kay “Executive Secretary” kapalit ng pag-pondo sa infrastructure projects. Ilan lang ba ang may titulong Executive Secretary sa Pilipinas? Isa lang. At saan sya nag-oopisina? Sa Malacañang. Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng link ang Palasyo, batay sa testimonya ni Bernardo, sa sunog na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mismo ang nagsindi.
Gaya ng inaasahan, todo denial si ES. Ngunit sa ating political culture na ang established perception ay walang nangyayari sa bansa na hindi alam ng Palasyo, ito ay isang gotcha moment. Para naman sa ilan, patunay daw ito na hindi alam ng Pangulo ang nangyayari sa sariling nyang bakuran. In short, clueless.
May hugot si Chiz?
Pero ang naging sentro ng media coverage at online chatter ay si deposed Senate President Francis “Chiz” Escudero. Binanggit ni Bernardo ang mga pagkakataong nagkausap sila nang personal ni Escudero (nag-thank you pa nga raw) at ang involvement ng isang Presidential Adviser na umano ay bagman daw ni Escudero. Kaya’t hindi nakuntento si Escudero na mag-issue ng denial. Tumindig sya sa plenaryo para magbigay ng privilege speech.
At the risk of being trolled, I will have to say I agree with the response of former Speaker Martin Romualdez. The speech was, on the surface, a DDS script. Walang ibang sinabi na hindi na natin narinig sa mga DDS. All sound and fury and raised eyebrows signifying DDS.
May mga nakapansin naman na may ibang hugot ang ilang binitawang salita ni Escudero. “Ang tanong ko ay simple,” sabi nya. “Kung legal at walang mali sa ginawa nila, eh di dapat legal din at tama din ang ginawa ko. Pero bakit ako lang ang iniimbestigahan tungkol dito?”
Sabi ng ilang tsismoso, tampo raw yon na may halong pagbabanta. Dahil kung totoo na ang Palasyo ang nagkukumpas sa kontrobersyang ito, bakit nga ba sya ang dinidiinan at hindi si Romualdez? Posible raw na ang hidden message ay “If I’m going down, I will take all of you with me.”
Mahirap isiping coincidence lang ang mga nangyari sa Senado after ng privilege speech ni Escudero. Ang dulo, nag-resign bilang chair ng Blue Ribbon Committee si Senator Panfilo “Ping” Lacson. For some of the senators, Lacson broke the code. Sa tingin nila, the Senate should protect its own. Ang gusto nila, right or wrong, dapat walang laglagan. Tropa-tropa lang, parang genggeng. Ang status ng hearings ng committee? Ewan natin kung meron pa.
At parang bula, nakalimutan na ang Palace link na sinabi ni Bernardo.
Saan na tayo papunta?
Dahil wala na si Lacson sa Blue Ribbon at mukhang allergic ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) sa liwanag ng transparency, kahit sa pag-livestream man lang ng hearings, umuugong na ang linyang cover up at selective prosecution. Mantakin nyo, matapos galitin ng husto ang sambayanan, bigla hihinto ang public hearings at closed-door ang proceedings ng ICI? Hindi ba invitation yan sa disinformation, mas matinding bangayan, unrest, at political instability?
Nakakalula ang scale ng corruption sa flood control projects. Take note, flood control projects pa lang yan sa isang engineering district sa Bulacan. Ni wala pa tayo sa ibang infra projects, sa ibang departments at agencies ng gobyerno, sa ibang probinsya, sa local governments, sa Davao City.
Lahat ito ay hindi nakakabuti sa perception ng good governance na gustong ipakita ng administrasyon. Mukhang nag-boomerang.
Sa halip na palakpakan, may mga sektor na naiinis sa Pangulo dahil ang large-scale corruption na ibinubulgar ay nangyari sa unang tatlong taon ng kanyang termino. At dahil too sensational to ignore, ito ang lumalabas na rin sa foreign media. May news reports na nga na nagdadalawang isip na raw ang ilang foreign investors na mag-invest sa bansa sa huling tatlong taon ng Marcos administration.
At marahil dahil nakatuon ng husto sa laban kontra corruption as his defining legacy, parang nakalimutan na ng Pangulo na he has a nation to lead and a country to feed. Sa latest report, sumipa ang inflation ng 1.7 per cent. Ang minimum wage hindi naman tumataas. Reklamo ng karaniwang empleyado, pagod ka na sa commute at pagod sa trabaho, pero kulang ang sweldo. Habang ang legislators at contractors at kanilang nepo babies at nepo wives, at ang mga hinayupak na district engineers, flex ng flex ng high life. Buhay mayaman sa buwis ng bayan.
Ano ngayon ang hinaharap natin? Matumal na foreign investments, mataas na presyo ng mga bilihin, inefficient public services, bansang lubog sa baha, corruption, at kahirapan. Reminder lang po. It’s still the economy, Mister President.
This article also appears in Rappler
If you liked what you just read and want more of Our Brew, subscribe to get notified. Just enter your email below.
Related Posts
The Window Will Not Stay Open, Mr. President
Sep 24, 2025
‘Puksaan Ng Mag-pinsan’: Marcos Offers His Cousin’s Head on a Plate. But is That Enough?
Sep 18, 2025
Can the Marcos Commission Lead to Real Redemption?
Sep 11, 2025