, April 22, 2024

0 results found in this keyword

Apartment


  •   1 min read
Apartment
"Al", the poet's pet
By Raymart Avellaneda

Hi! Mangungumusta lang. Alam kong nag-agree tayo na wag na mag-communicate para mas madali sa'tin pareho pero.., last na 'to promise. Matatapos na next month 'yung contract ko sa bahay. Kahit gustuhin ko, di na rin pwedeng mag-extend — gagamitin na daw ng may-ari 'tong unit. 2 weeks ago na nang mag-move out ka. Hinihintay ka pa rin ni Al sa baba ng hagdan. Tatlong taon n'ya ring naging routine na salubungin ka tuwing uwian mo kapalit ng treats. Hindi mo ba s'ya na-mi-miss? Ikaw pa nga pala nagpangalan ng Al Kapon sa kanya,' diba? Kasi walang yagballs yung pusa ko, sabi mo. Neutered na kasi.

Binibigyan ko s'ya ng treats, nilalanggam lang. Hindi niya kinakain. Hinihintay ka. Paano ko ba sasabihin kay Al na hindi ka na babalik? Naghihintay na lang s'ya sa wala.

Guilty ako sa part na hinayaan ko s'yang masyadong ma-attach sa 'yo. To the point na mas close na kayo kesa sa 'min. Inasa ko kasi sa 'yo lahat. Nakampante.

Alam kong maninibago si Al sa lilipatan naming bagong apartment. Napamahal na rin sa 'min pareho ang bahay pati ang lahat ng nakasanayan namin sa pansamantalang espasyo na 'to. You broke more hearts than mine at kasabay ko si Al sa pagsisimulang masanay nang wala ka. I'll spend more time with my cat and we'll learn new tricks at una sa list ay ang kalimutan ka.


Tungkol sa may-akda:
Si Raymart ay isang manunula(t), kwentista, ateista, manggagawa ng maikling pelikula at nagbabalik eskwela sa Trinity University of Asia sa kursong AB Communication. Bahagi ng Student Council sa departamento ng Performing Arts.


Related Posts

You've successfully subscribed to Our Brew
Great! Next, complete checkout for full access to Our Brew
Welcome back! You've successfully signed in
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Success! Your billing info is updated.
Billing info update failed.
Your link has expired.