, October 18, 2021

0 results found in this keyword

Bukuhan sa Bakuna


  •   2 min reads
Bukuhan sa Bakuna
Photo: Philippine News Agency

Paano nakapasok ang Sinopharm at naiturok sa Pangulo, at sino ang nagpasok?

By Igan Glavio

Mga ‘iGan, magpapalit ang bagong taon nang una kong binulgar ang nangyayaring pagpapabakuna sa Binondo at ilang hotel sa Metro Manila.

Ito ang panahon na wala pa ni isang bakuna ang aprobado ng Food and Drug Administration (FDA).

Isa sa nabakunahan, na itinago ko sa pangalang ‘Roberto’ ang nakapanayam ko at nagbigay ng detalye sa nagaganap na pagpapabakuna.

Ayon kay Roberto, may mga nakasabay siya na ilang ‘politiko’ na nagpabakuna na rin gamit ang Sinopharm.

Agad na nag-utos ng imbestigasyon si Manila Mayor Isko Moreno sa Binondo,  pero wala ring nangyari.

Sumunod kong binulgar na ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ay naturukan na rin ng Sinopharm.

Habang lahat ng ahensiya ng gobyerno ay tarantang pinabubulaanan ang aking expose at ang iba ay inaakusahan pa na ito ay fake news, sa isang episode ng Talk to the People ni Pangulong Duterte kinumpirma niya ang impormasyong ito. Pinuri pa ang PSG sa ginawang pagpapabakuna para siya ay mabigyan ng proteksyon laban sa Covid19.

Hay salamat, Mr. President.

Sa naturang pulong, sinita pa niya si Dr. Eric Domingo ng FDA kung bakit hindi pa payagan ang Sinopharm. Sagot naman ni Domingo, “wala pa ho silang application sa FDA.”

Pero ilang linggo ang lumipas, binigyan ng FDA ng Compassionate Use Permit ang Sinopharm para sa mga nabakunahan na PSG. Paliwanag ng ilan, layunin lamang nito na mawalan ng anumang pananagutan ang PSG sa kanilang ginawa.

At noong isang araw, ay naturukan na rin si Pangulong Duterte ng Sinopharm. Ito ay sa kabila na wala pang pinal na pag-aproba sa bakuna ang FDA.

Depensa ng palasyo bahagi ito ng ibinigay na ibinigay na compassionate use permit ng FDA sa 10,000 dose ng Sinopharm.

Pero lumabas na ang itinurok sa pangulo ay hiwalay pa sa naunang dose at kasama sa 1,000 dose na binigay ng China.

Para “wala nang gulo,” sinabihan ni Pangulong Duterte ang ambassador ng China na isosoli na lang niya ang donasyon na Sinopharm.

Ang Sinopharm ay bakuna ng estado ng China samantalang ang Sinovac ay isang pribadong kumpanya kung saan galing ang Coronavac.

Taliwas sa huli niyang pahayag na “ang problema ay walang bakuna.”

Pero, hindi pa rin nasasagot ang ilang mahahalagang tanong:

  • paano nakakalusot papasok ng Pilipinas ang Sinopharm at iligal na naituturok pa sa pinakamataas na lider ng bansa?
  • sino ang iligal na nagpapasok ng Sinopharm sa bansa?

“It’s my life,” ang sabi ng Pangulo at humingi na ng paumanhin sa nangyari.

Walang Personalan.


Related Posts

You've successfully subscribed to Our Brew
Great! Next, complete checkout for full access to Our Brew
Welcome back! You've successfully signed in
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Success! Your billing info is updated.
Billing info update failed.
Your link has expired.