, February 18, 2025

0 results found in this keyword

Wala Ba Kayong Mga Kamay?


  •   3 min reads
Wala Ba Kayong Mga Kamay?
Wikimedia Commons / Screengrab from Senate of the Philippines website
Joey Salgado

Nagpalakpakan ang mga konserbatibo nang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mismo ang nagdeklara na tutol sya sa Senate Bill 1979, o ang “Adolescent Teenage Pregnancy Bill.” Ibang level na ito dahil kakampi na nila ang mismong Pangulo ng bansa sa kanilang holy war laban sa pagsasalsal.

Mantakin ninyo, sa dami ng problemang hinaharap ng ating Pangulo - mataas na presyo ng bilihin, gutom, kahirapan, mga monster ship ng China, ang mag-amang Duterte - ay naglaan sya ng oras para sabihing tutol sya sa umano’y pagtuturo sa mga kabataan kung paano magparaos ng sarili. At dahil nagdeklara na ang Pangulo, mistulang umurong ang mga prinsipyo ng mga senador na nauna nang pumirma sa Senate Bill 1979.

Pero teka lang. Wala namang ganitong probisyon, o ang mismong salitang “masturbation,” sa nasabing panukalang batas. Saan kaya nakuha ng Pangulo ang intriga tungkol dito?

Ang itinuturo ay isang dating chief justice na naging idolo ng mga dilawan at iniluklok noon bilang busilak na imahen ng matuwid na daan. Self-righteous rhetorics can be deceiving, di ba?

Pagkatapos gumawa ng ingay, naglabas ng paligoy-ligoy na statement ang nasabing dating chief justice. Tipikal na diskarte ng abugadong nagpapalusot. Kasama raw ang “masturbation” sa “international standards” na binanggit sa panukala. At kapag naging batas, automatic na kasama na ito sa ituturo sa mga kabataan. Take note, hindi nya inamin na mali sya. Hindi lang tayo marunong mag-research at umunawa.

Mapapakamot ka na lang ng ulo sa mga argumento online ng mga konserbatibo. Scare mongering. For example, kahit daw hindi binanggit sa panukalang batas ang “masturbation,” pwede daw isingit sa Implementing Rules and Regulation (IRR). Ang “international standards” naman ay foreign concept at dikta ng foreign power. Teka. Parang ganyan din ang sinabi ni Digong sa human rights at International Criminal Court.

Haaay. To be willing to distort the facts for a heavenly cause, sabi nga ng kanta.

Ano nga ba ang ayaw ng mga konserbatibo sa pagtuturo ng pagsasalsal sa mga kabataan?

Hindi pa tayo ipinapanganak, nagsasalsal na ang ating mga ninuno. Teenagers, lalo sa edad na wild ang kanilang hormones, will discover self-gratification themselves. Ngayon mo pa gustong pigilan eh ang daming sources sa internet. At hindi ba mas delikado na matuto sila tungkol sa sex mula sa pornography? Hindi ba mas okey na ginagabayan sila?

Tama, sabi ng mga konserbatibo. Pero ang dapat daw na gumabay ay ang mga magulang. Hello? Taas ng kamay ang mga tinuruang magsalsal ng kanilang mga magulang. Don’t be shy. Meron ba? Sa pelikula lang yon at comedy pa. Ang gusto yata nila ay Pinoy version ng American Pie, na buko pie ang gagamitin.

Saan ba nag-uugat ang masidhing pagtutol ng mga konserbatibo sa masturbation? Ito ang sabi sa Wikipedia, sa section na may titulong “Kontekstong pangpananampalataya:”

“Itinuturing na malaking kasalanan sa Simbahang Romano Katoliko ang masturbasyon, at maging sa iba pang mga relihiyon. Ayon sa Bibliya, pinarusahan ang mga lungsod ng Sodom at Gomora dahil sa matinding sekswal na pamamamaraan at adiksiyon ng mga tao doon. Pinarusahan ang karakter na si Onad dahil dito.

“Ayon sa turo ng simbahan, dapat na ginagawa ang seks sa paraan lamang ng pakikipagtalik ng mga mag-asawa o ng mga kasal na sa simbahan. Walang sinuman ang maaaring makipagtalik sa hindi niya asawa at wala rin maaring magsagawa ng seks sa paraang pagsalsal. Sa larangan ng pananampalataya, itinuturing na ang ginhawang dulot ng seks, maging ng masturbasyon, ay biyayang makukuha lamang kung ginagamit ang seks para magparami ng lahi (prokreasyon).”

In short, bawal magsalsal, dapat mag-do lang at dapat sa asawa.

Reality check. Ilan bang Katoliko ang sumusunod dito? Ilan bang politiko at lider ng grupong relihiyoso ang walang side chick, o hindi nagsasalsal?

Tumataas ang insidente ng teenage pregnancy. Hindi ba dapat yun ang pag-usapan, at hindi ang masturbation? Really, what’s the connection between masturbation and teenage pregnancy? And isn’t the notion of self-righteous guardians of morality a medieval concept that is in itself a self-gratifying undertaking, especially when it draws in a President who should be worried about inflation and hunger? (Iningglis ko na kasi naaasar na ako)

Itinuturing na bang national concern ang masturbation? Dapat na bang isama ng Pulse Asia ang pagsasalsal sa listahan ng urgent nation concern, o mas bagay ba itong urgent personal concern ng mga Pilipino?

Noong ako ay reporter pa, ang tawag sa paghahanap ng controversial angle sa isang istorya kahit manipis ang factual basis ay pagsasalsal (es-es and shortcut). May diskarteng intriga, hahaluan ng nasagap na tsismis, maglalagay ng quote ng isang hindi nagpapakilalang source. Madalas ding “pinapadugo” pa ang istorya ng isang editor na malibog mag-isip. Ginagawa ito para ma-intriga ang readers at bumenta ang dyaryo. Kapag pinatulan ng pulitiko ang istorya, bonus pa yon.

Ngayon ko na-realize na magaling din palang magsalsal ang mga konserbatibo. Pati ang Pangulo, napaniwala nila. Ang galing naman nila manong at manang. Pero bakit ayaw nyo silang palakpakan? Wala ba kayong mga kamay?

This article also appears in Rappler


Related Posts

You've successfully subscribed to Our Brew
Great! Next, complete checkout for full access to Our Brew
Welcome back! You've successfully signed in
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Success! Your billing info is updated.
Billing info update failed.
Your link has expired.