, February 12, 2025

0 results found in this keyword

‘Warning: Ang Programang Ito ay Rated VP’


  •   2 min reads
‘Warning: Ang Programang Ito ay Rated VP’
Photo by Adam Cohn via Flickr
By Joey Salgado

Nagpatawag kamakailan ng press conference si Vice President Sara Duterte na umabot ng dalawang oras. 

Inilaglag nya si Manang Imee (sorry manang, pero hindi ka na isang kaibigan). Pinitik at ininsulto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na minsan ay inisip nyang putulan ng ulo dahil hindi raw ibinigay ang relos na inaarbor ng isang graduate (Teka, depende naman siguro sa brand ng relos yan. Kung tulad ng Audemars Piguet ni Pulong bakit naman ibibigay?). 

Ang pinakamatinding sinabi ni Vice President Duterte ay ang banta nya kay Manang Imee na ipapahukay nya ang bangkay ni Apo Ferdie sa Libingan ng mga Bayani at itatapon sa West Philippine Sea. Kung buhay pa ang blue ladies ni Madam Imelda, naku, nagsigawan na siguro sila ng “que barabaridad!” sabay paypay ng kanilang mga abaniko. Ano naman kaya ang naging reaksyon ni First Lady Liza Marcos? Isang “ooemmgee!” o malutong na “wtf?!”? 

Eto ang malupit. Habang sinasabi ni Vice President Duterte ang mga kahindikhindik na rebelasyong ito ay hindi halos nagbabago ang kanyang demeanor, parang chikahan lang sa parlor ang peg.  

Dapat ang MTRCB meron nang viewer’s advisory kapag mag-live event ang ating Vice President:  “Warning: Ang programang ito ay Rated VP.” Kapag narinig nyo na ito, takpan na ang tenga ng mga bata at magbukas na ng bote ng gin.  

Ano naman kaya ang pamagat ng one-time special na ito, na hindi naman stand up show kasi nakaupo sya pero nakakatawa na nakakainis pa rin ang resulta? “Drag Me to Hell Where I Am President: The Sara Duterte Comedy Show.” Pwede.

May tanong ako sa ating butihing Vice President. Pagkatapos ng palakapakan ng mga DDS, ano na ang follow up, te? Song and dance with BFF Harry who cannot be located? Saan ba papunta ito? Sa 2028? Malabo na makakakuha pa ng boto sa mga Ilocano pagkatapos nyang bastusin ang alaala ni Apo Ferdie. At tingin ko naman hindi lahat ng taga-Visayas at Mindanao ay pabor sa ganitong ugali sa isang gustong maging pangulo ng bansa.

This is an edited version of an article published previously in Rappler


Related Posts

You've successfully subscribed to Our Brew
Great! Next, complete checkout for full access to Our Brew
Welcome back! You've successfully signed in
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Success! Your billing info is updated.
Billing info update failed.
Your link has expired.