, September 23, 2026

Bakit Nauwi Sa Inuman


  •   1 min read
Bakit Nauwi Sa Inuman

INTRO

It is a drinking song that is not really about drinking. It is about changing times, a table, and who is no longer sitting at it.


By Nonoy Gallardo

Nagumpisa tayo
Pa kape kape lang
Minsan may pandesal
Minsan may palaman
Kuwentuhan na maghapon
Kantyawan biruan
Usapang magkaibigan
Sarap ng samahan

Nagkikita ulit
Pagtapos ng hapunan
Mayroong dalang gitara
Magagandang kanta
May natural na second voice
May soloist may chuchuwa
Sa mga nagdaraan
Sarap daw nating pakinggan

Kailan nga ba nagbago?
Nauwi sa inuman?
Sino na nga nagsimula
Di na matandaan
Serbesa pag may pera
Tanduay pag wala na
Nagiba ba ang kuwentuhan?
Tumindi ba ang usapan?

Kailan nga ba nagbago
Nauwi sa inuman
Sino na nga nagsimula
Di na matandaan
Isa isang namaalam
Kaibigang kinalakihan
Dating pa kape kape lang
Na nauwi sa inuman


About the Poet:
Dominador “Nonoy” Gallardo is a highly respected name in Philippine advertising (“Ang Bagong Tunog, Ang Bagong Pinoy”, “Angat sa Iba"), a celebrated composer (“Saranggola ni Pepe", "Tuliro"), and a self-taught painter. A renaissance artist in a time of narrowing silos.


Related Posts

You've successfully subscribed to Our Brew
Great! Next, complete checkout for full access to Our Brew
Welcome back! You've successfully signed in
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Success! Your billing info is updated.
Billing info update failed.
Your link has expired.